Friday, January 14, 2011

=(

pano ko ipapaalam sa sarili ko na talo na ako. na sa sarili kong test ako ang bumagsak. na sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko ako ay nasira. pano mo ako mapapatawad kung ang sarili ko nga hindi ko pa magawa. ngayon naiintindihan ko na kung bakit wala syang itinira. dahil hindi naman yoon ang hiningi ko. gusto ko man tanggapin na wala ka na, may pumipigil sakin at pilit na sinasabi na wag na wag akong susuko. dahil may dahilan kung bakit ka dumating, kung bakit ka umalis at kung bakit ako patuloy na umaasa kahit alam kong wala na akong pag-asa. hindi ko alam kung tatagal ba ako sa pagsubok na ito. kilala mo ako, mabilis akong sumuko, pero pano ako susuko kung ikaw ang nagpapadama sakin na kailangan kong kumapit. iniwan ko sayo ang puso ko, at sinabing hanggang nasa iyo yan, patuloy kitang mamahalin. ngayong wala kana, pakiramdam ko, wala akong puso dahil hindi ko magawang magmahal ng iba. kahapon lang, naalala ko, inihabilin ko nga pala sa iyo. bakit hanggang ngayon, wala pa ang puso ko? hawak mo pa ba? ayaw mo pa ba ibalik? kung ganun, wag mo na talaga ibalik, sayo na yan!

No comments:

Post a Comment